John Romeo Venturero Ang sabi, sa dalawampu’t isang araw, makabubuo na ng habit. Higit daang araw-gabi na tayong nakapinid, kaya’t praktisado na ako kung saan ididikit ang hati kong pisngi ng binubuo nating puso. pati ang tamang pagnguso, iyong sigurado ang tama, sa inilapat mong labi sa hagganan ng iyong screen. Ganito na ang umibig, continue reading : 1:30AM, Day XXX, Apartment
Petsa de peligro
Roda Tajon Umusal ng dasal sa bawat pagtakal Sa latang bigasan. Suwerte na Kung tatagal pa ng ilang araw Ang ‘sang supot na grasiyang anila’y Pang-dalawang linggo. Damihan kayâ Ang tubig galing sa kalawanging poso Mainam nang malabsa ang nasa hapag Bukas makalawa, wala ng baryang Mahuhugot sa butás nang bulsa. Kung maghahanap ng ulam continue reading : Petsa de peligro
“Self quarantine”
Sir Ahyet TV Itatago ko muna Ang sarili sa kahon Walang ingay Walang tanong Wala ‘ni kanin Miski tutóng. Itatago ko muna Ang sarili sa kahon Mahinahon; Hindi nakikita Ang mga panambitan Ng mga kumukulong tiyan. Itatago ko muna Ang sarili sa kahon Sasang-ayon Sa proseso Upang maibsan Ang sakit na iniiwasan. Itatago ko muna continue reading : “Self quarantine”
Tayo Habang Delubyo
Chelsea Joy Serezo Hindi ko inaasahang aabot sa ganito— ilang dipa ang pagitan nililisan ang nakasanayang tagpuan, nananatili na lamang sa tahanan, tila magkakalayong bituin sa kalawakan. Ang totoo, nahihirapan akong magsakripisyo. Hangga’t maaari, ayaw ko sanang mapalayo sa’yo— ngunit sumasagi sa aking isipan ang ilang nakararanas ng kalbaryo. Kung tutuusin, maliit lang namang sakripisyo, continue reading : Tayo Habang Delubyo
IKAPITONG KAARAWAN (tulang pambata)
Mark Anthony S. Salvador Magarbo sana, anak, itong kaarawan mo. May malaking keyk at makukulay na lobo, gaya ng sa ikapitong bertdey ng ‘yong diko. Ngunit matulis ang mga kuko ng pandemya, bata man o matanda ay sasakmalin niya. Kaya ang bawat pamilya, sa bahay lang muna. Ayos na muna itong sopas, pansit at tawanan. continue reading : IKAPITONG KAARAWAN (tulang pambata)
Naaalala ko ang Bukas
Xavier Axl Roncesvalles Sinasabing ang kape ay gamot sa lason ng mga panaginip. Ang mainit na tubig ang kumakalabit sa nalihis na kaluluwa pabalik sa sintunadong awitin ng lungsod, habang ang pinong arabica ang kumakalikot sa mata upang ito’y masanay sa miyural ng mga kupas na pasilyo at patong-patong na papel. Ngunit ang higit na continue reading : Naaalala ko ang Bukas
Panahon ng Sakuna
Radney Ranario Tahimik na litanya ng takot ang mahahabang kalsadang nilisan ng mga paa. Bawal ngayon ang pagkislot. Kung liglig ng ligalig, manatili sa bahay. Pangangahas bawat lakad, pagsupil sa kaba ng dibdib, paghamon sa iwing buhay. Parang pagpapatiwakal o alinmang malapit doon na ‘di mo mapangalanan. Sinisikap mong ikubli sa maskara ang sikad ng continue reading : Panahon ng Sakuna
Sa Panahon ng Ligalig (tatlong tula ng panalangin sa panahon ng pandemya)
Chum Ocenar Panalangin Wala nang tahimik na kalsada ngayon. Binagtas na natin ang bawat daan; Sumuot sa makikitid na sulok ng agam-agam Hanggang sapitin ang pintuan ng walang katiyakan. Sa ating pagkapiit, may dagim ng ligalig ang kisame; Gabi-gabing pagbabadya ng unos Na buhos ay pagkatigatig sa kahimbingan ng malay. At sa nakasanayang alimpungat, iuusal continue reading : Sa Panahon ng Ligalig (tatlong tula ng panalangin sa panahon ng pandemya)
Isang Tanghali, Pagmumuni sa Bintana Habang Tinatanaw ang Lungsod
Paul Joshua Morante Nakagigimbal ang katahimikan ng lungsod Hungkag ang mga terminal Pantalan, paliparan, bahay sambahan Inabandonang paslit ang lansangan Wala ang mga nagmamadaling yabag Ng mga komyuter Nangungulila ang aspaltadong kalsada Sa salimbayan at ingay ng mga sasakyan Tahimik ang dating rumaragasang bagon Na tumutudla sa kahabaan ng EDSA Nakatanod na balyan ang araw continue reading : Isang Tanghali, Pagmumuni sa Bintana Habang Tinatanaw ang Lungsod
ARAW-ARAW SA PANAHON NI COVID-19
Winston C. Gallo Hindi natutulog ang pagkabahala. Nakikiramay ito sa mga namatayan, Humihigop ng mainit na kape at sinasawsaw ang matigas na tinapay para manatiling dilat. Sinasabayan nito ang mga pigil na hiyaw, sigaw at hagikgik ng mga nanalo at natalo sa pusoy. Nananatiling sariwang bulaklak ito sa harap ng kabaong, hindi na kailangan ng continue reading : ARAW-ARAW SA PANAHON NI COVID-19