1. Ano ang Copyright?

Isa itong karapatan na kinikilala ng batas na nagbibigay ng kaukulang pagkilala bilang awtor (moral rights) at kaakibat na pinansiyal na karapatan (economic rights) sa mga indibidwal na lumikha ng mga akda o gawa na saklaw ng copyright (works covered by copyright).

Sa ganitong paraan, mayroong pagpapahalagang iginagawad sa mga lumikha at binibigyan sila ng insentibo (social incentive) na magpatuloy sa kanilang paglikha dahil napapaunlad nito ang lipunan.

2. Ano ang mga gawa o akda na saklaw ng karapatang-ari?

Ilang halimbawa ng gawa o akda na saklaw ng karapatang-ari ay ang mga sumusunod:

a. Literary works (novel, short story, poem, etc.)

b. Dramatic works (choreography, film script, etc.)

c. Musical works (film musical score, pop song, jingle, etc.)

d. Visual artworks (painting, drawing, engraving, sculpture, etc.)

e. Architectural design

3. Sino ang may-ari ng karapatang-ari?

Sapagkat ang karapatang-ari ay iginagawad dahil sa haraya (creativity), ito ay karaniwang pag-aari ng indibidwal (tao) na may-akda (writer, scriptwriter, composer, visual artist, architect).

Maliban na lamang sa ilang sitwasyon na ang may karapatang-ari ay isang korporasyon o organisasyon, sapagkat ang may likha ay nasa empleo ng korporasyon at ang ipinagawang akda ay kasama sa trabaho ng empleyadong may-akda.

4. Paano nagkakaroon ng karapatang-ari?

Kinikilala ng batas na umiiral ang karapatang-ari dahil sa bisa ng paglikha ng akda (moment of creation).

Hindi kailangan ng rehistro ng gobyerno o ng sertipikasyon ng organisasyon para magawaran ng karapatang-ari ang may-ari ng akda. Pag-aari na ito ng awtor nang nilikha niya ang akda o gawa.

Nakatutulong lamang ang pagrehistro sa National Library of the Philippines (NLP) bilang ebidensiya sakaling magkaroon ng alitan sa pagmamay-ari (conflicting claims) ng akda o gawa.

5. Paano nagkakaroon ng pinansiyal na halaga ang karapatang-ari (economic gains from copyright)?

Karaniwang indibidwal ang may-ari ng karapatang-ari (copyright). Malimit, wala siyang kakayahang ilathala (publish) o komersiyal na ipakalat (commercially distribute) ang akda. Dahil dito, nakikipagkontrata siya sa isang kompanya na may kaalaman at kasanayan dito.

Kung writer, may contract sa publisher.

Kung singer-songwriter, may contract sa record company. Kung visual artist, may contract sa museum owner.

6. Ano ang laman ng contract?

Tulad sa ibang bagay (goods) na maaaring object ng komersiyo, maaari ding ibenta o pagkakitaan ang karapatang-ari.

Tandaan na may listahan ang karapatang-ari at hiwa-hiwalay ito (bundle of rights) kaya maaaring sa iba’t-ibang tao o kompanya ibenta (assignment or license) ang karapatang-ari.

hal. Karapatan na ilathala o i-publish Karapatan na i-perform Karapatan na isalin

Ang pangunahing kontrol ay hawak ng may karapatang-ari (copyright holder) at pasiya niya at strategy niya ang paghawak nito (reservation of his or her copyright) o pagbenta nito (assign or license).

Maaaring ibalangkas sa apat ang laman ng contract

a. Parties to the contract

Nakasaad sa contract ang may-ari ng akda na may karapatang-ari (copyright holder) at ang kompanya (company) na bebentahan ng akda.

Tandaan: ang pakay ng pagbenta o paglisensiya ay para maikalat ang akda. Dapat tugma ang karapatang-ari na ibinibenta at ang kakayahan ng kompaniya (hal. Bakit ibebenta ang performance rights ng kanta sa book publisher o ang translation rights ng nobela sa record company?)

b. Scope of the agreement

Ano ang usapan: assignment o license

Kapag ang usapan ay assignment, mapupunta ang pagmamay-ari ng akda sa binentahan. Karapatan ng awtor na kilalanin bilang awtor (moral rights) ngunit ang LAHAT ng ibang pinansiyal na pakinabang (economic rights) ay kaniyang ibebenta.

Kapag nagkasundo sa ganitong usapan, makukuha lamang uli ng orihinal na awtor ang karapatang-ari kung bibilhin niya ito uli sa kompanya.

Kapag ang usapan ay licensing, pinahihintulutan ng may karapatang-ari (copyright holder) na gamitin ng kompanya ang ilan o lahat sa kaniyang karapatang-ari).

Tandaan na ang lisensiya ay pansamantala kaya maaaring may limitasyon sa

– panahon (hal. tatlong taon)

– lugar (hal. sa Pilipinas lamang)

– volume (hal. tatlong print run na may 1,000 kopya kada print run)

at iba pang uri ng limitasyon, depende sa uri ng karapatang-aring nakasaad sa contract

Tandaan: Kapag walang limitasyon sa panahon, lugar, volume, etc., maaaring ito ay isang ASSIGNMENT at hindi LICENSING contract.

c. Remuneration

Isa sa mithiin ng may karapatang-ari ay ang karampatang kabayaran sa kaniyang iginugol na pagod at panahon. Kaya pangunahing usapin ang BAYAD (remuneration) sa ganitong contract.

Kapag ASSIGNMENT: Babayaran na ng kompanya ang lahat ng economic rights na mapupunta sa kompanya.

Kapag LICENSE: Babayaran ng kompanya ang karapatang gawin ang mga hakbang na dapat sana ay gagawin lamang ng may karapatang-ari (copyright holder). (Tingnan: listahan ng mga karapatang-ari bilang BUNDLE OF RIGHTS1)

Kasama sa mga usapin ng bayad ang mga sumusunod na tanong:
1 Republic Act No. 8293, otherwise known as the “Intellectual Property Code of the Philippines,”

Sec. 177. Copy or Economic Rights. – Subject to the provisions of Chapter VIII, copyright or economic rights shall consist of the exclusive right to carry out, authorize or prevent the following acts:

177.1. Reproduction of the work or substantial portion of the work;
177.2 Dramatization, translation, adaptation, abridgment, arrangement or other transformation of the work;
177.3. The first public distribution of the original and each copy of the work by sale or other forms of transfer of ownership;

177.4. Rental of the original or a copy of an audiovisual or cinematographic work, a work embodied in a sound recording, a computer program, a compilation of data and other materials or a musical work in graphic form, irrespective of the ownership of the original or the copy which is the subject of the rental; (n)
177.5. Public display of the original or a copy of the work;
177.6. Public performance of the work; and
177.7. Other communication to the public of the work

– magkano

– paano babayaran (lump sum o royalty scheme) – kung royalty scheme,

  ano ang rate (o porsiyento)

  ano ang basehan (basis): % ng GROSS PROFIT o NET PROFIT

  ano ang paraan ng company sa pagbilang ng mga nabentang unit (libro man o CD) tuwing kailan ang pag-account o   pagbabayad (annual, per quarter, atbp.)

d. Iba pang probisyon sa contract

a. Exit Clause

Paano kung ayaw na ng isang partido sa usapan, ano ang dapat gawin para mapawalang-bisa ang ibang probisyon o ang kabuuang contract?

b. Remedies

Paano kung hindi tinupad ng isang partido ang usapan (hindi naglathala o hindi nagbayad ng royalty), ano ang gagawin ng partidong nadehado (hal. babayaran ng danyos, ipapatupad ang exit clause, atbp.)?

Ang mga natalakay na usapin ay ayon sa karaniwang sitwasyon (general rule). Para malinawan sa tamang pagtukoy sa applicable laws, kailangang malinaw ang facts.

Kung ang inyong sitwasyon ay iba sa mga natalakay, maaaring dumulog sa National Book Development Board (NBDB) o sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL).

Karapatang-ari ni Aneka Rodriguez ©

(Para sa mga karagdagang tanong, sumulat sa aneka@nbdb.gov.ph)

Click here to download this FAQs document.